-- Advertisements --

BAGUIO CITY- Hinigpitan pa ng Department of Agriculture (DA)-Cordillera ang iba’t-ibang pamamaraan para maiwasan ang posibleng pagpasok ng African Swine Fever sa Rehiyon Cordillera.

Ayon kay DA-Cordillera Regional Executive Director Cameron Odsey, pinangangambahang maaapektuhan ang mga hog raisers at mga konsumer kapag nakapasok sa bansa ang nasabing sakit.

Pinayuhan nito ang publiko na mag-ingat sa pagbili at pagkonsumo sa mga processed pork o ang mga nai-prosesong karne ng baboy na nanggagaling sa ibsang bansa.

Ayon kay Odsey, kailangang busisihing maigi ng mga konsumer ang lebel ng bibilhin nilang processed meat.

Kaugnay nito ay ipinag-utos ng DA-Cordillera na ayusin at pagbutihin ang mga isinasagawang quarantine checkpoints sa iba’t-ibang bahagi ng Cordillera para maiwasan ang pagpasok ng African Swine Fever.