-- Advertisements --

Sinabi ni Commo Roy Vincent Trinidad, PN’s spokesperson for the West Philippine Sea (WPS), na wala pa rin silang nakikitang paghupa sa aksyon ng China sa WPS sa kabila ng napagkasunduan na e de-escalate ang tensyon sa pagitan ng China at PH.

Pero kung pagbabasehan ang bilang ng barko ng China sa WPS, nakapansin ang AFP nang bahagyang pagbaba sa bilang kung ikukumpara sa mga nakalipas na buwan.

Binigyang diin ni Trinidad papanatilihin ng Pilipinas na hindi escalatory ang kanilang mga aksyon.

Ipagpapatuloy din daw nila ang kanilang mga RORE mission, maritime air surveillance flights at pananatilihin ang integridad ng national territory sa West Philippine Sea.

Ani trinidad, lahat ng aksyon ng Pilipinas ay nakaakibat sa rules of engagement at international law, at ang mga aksyon ng Chinese Communist Party sa West Philippine Sea mismo ang escalatory.

Samantala, sinabi naman ni Trinidad na aware sila sa mga aktibidad ng Russian Navy at People’s Liberation Army Navy.

Ang kamakailan na sinagawang exercise ng dalawang bansa sa karagatan ng pilipinas ay labas umano sa ating exclusive economic zone.

Pero sa kabila nito ay tuloy tuloy pa rin ang pagsubaybay ng Pilipinas sa mga isinasagawang aktibidad ng mga ito.