-- Advertisements --

SINGAPORE – Iginiit ng isang senior Chinese military official na hindi umano nakakatulong ang mga aksyon ng Estados Unidos sa Taiwan at sa isyu sa West Philippine Sea sa pagpapanatili ng katatagan sa rehiyon.

Tugon ito ni Shao Yuanming sa binitiwang mga pahayag ni acting US Defense Secretary Patrick Shanahan sa taunang pagtitipon ng mga regional defense chiefs sa Shangri-La Dialogue sa Singapore.

“He (Shanahan) has been expressing inaccurate views and repeating old tunes about the issues of Taiwan and the South China Sea,” wika ni Shao.

“This is harming regional peace and stability.”

Dagdag pa ni Shao, pangangalagaan umano ng China ang kanilang soberenya ano man ang mangyari sakaling tangkain umano ng ilan na ihiwalay ang Taiwan sa kanilang teritoryo.

“China will have to be reunified,” ani Shao. “If anybody wants to separate Taiwan from China, the Chinese military will protect the country’s sovereignty at all costs.”

Una rito, sa naging talumpati ni Shanahan, binatikos nito ang ginagawang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Hindi man direktang tinukoy ni Shanahan ang China pero nagpahiwatig ito sa mga “actors” daw na nagpapatindi sa tensiyon at destabilisasyon sa rehiyon. (Reuters)