-- Advertisements --
MT PINATUBO

Posible umanong magpatuloy pa ang aktibidad ng Mt. Pinatubo gaya ng mga naranasan sa kasaysayan kasunod ng phreatic eruption kahapon.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) director Renato Solidum, wala pa namang naitatala na pag-akyat ng magma sa kadahilanang ang mga lindol ay masyado pang malalim.

Hindi ito kagaya ng nangyari noong 1991 at 1992 kung saan umakyat na ang magma at umabot sa ibabaw ng bulkan.

Kung bubusisiin aniya ang kasaysayan, ang malakas na pagsabog ng Mt. Pinatubo ay nangyayari kada libong taon.

Pero ang interval ng pagsabog noong 1991 ay nasa 500 taon lamang dahil sa naganap na lindol dito sa Luzon.

Sa ngayon, nasa Alert Level 0 pa rin daw ang bulkan at wala pa umanong manifestation ng abnormal na aktibidad nito.

Pero ipinagbabawal pa rin naman ang pamamasyal sa crater o bunganga ng bulkan.