-- Advertisements --
Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry na bumaba na ang kaso ng aktibong kaso ng African Swine Fever sa ilang lugar sa bansa.
Batay sa datos, aabot na lamang sa 133 barangay ang apektado ng ASF mula sa walong rehiyon sa Pilipinas.
Mas mababa ang bilang na ito mula sa dating mahigit 200 barangay.
Ayon sa Bureau of Animal Industry , ang North Cotabato ang may pinakamalaking bilang ng ASF active cases na sinusundan ng Kalinga Province.
Nakapagtala rin ng panibagong kaso ng ASF sa mga bayan sa Batangas, Catanduanes, at maging sa Bohol.
Mahigit 400 na lugar na rin sa bansa ang nailipat na sa pink (buffer) zones mula sa dating pagkakabilang nito sa red o infected zones.