-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Labis ang kasiyahan ng mga staff ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) at ang lokal na gobyerno ng Baguio City dahil isang COVID-19 patient na lang ang aktibo at nagpapagaling sa siyudad.

Ito ay matapos gumaling ang 29 na indibidwal na nagpositibo sa coronavirus.

Mula sa 31 na kaso ng virus sa Baguio City, 29 ang gumaling at nananatiling isa ang namatay.

Kinumpirma naman ng mga otoridad na nasa mabuting kalagayan ang huling pasyente ng COVID-19 sa lungsod.

Maaalalang sabay-sabay na gumaling sa COVID-19 ang siam na health workers ng BGHMC noong nakaraang araw at gumaling ang isa pang health worker nitong Huwebes.

Umaasa ang lokal na gobyerno ng Baguio City na gagaling na ang isa pang pasyente para wala nang aktibong kaso sa lugar.