-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Bumaba ng 7.13 percent ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Baguio City habang tumaas naman ng 91.5 percent ang recoveries o mga gumaling.

Ayon kay City Health Officer Dr. Rowena Galpo, bumaba ang average daily cases sa lungsod, mula sa dating 36 bawat araw noong October ay naging 25 bawat araw ngayong November.

Maliban diyan, isa lamang ang death case na nailata sa isang linggo.

Batay sa 7-day moving average (MA) monitoring, naobserbahang 10 kaso bawat araw lamang ang naitala sa isang linggo dito sa Baguio City.

Dahil dito, inihayag ni Galpo na malaki na ang nagawa ng lokal na pamahalaan ng lunsod hinggil sa pagsugpo sa COVID-19 sa mga nakaraang araw.