-- Advertisements --
CEBU CITY – Muli na namang tumaas ang bilang ng mga aktibong kaso ng sakit na coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod ng Cebu matapos madagdagan ng 25 panibagong kaso nitong Miyerkules, November 18.
Mula sa 10,505 na kabuuang kaso na naitala, 9,516 nito ang nakarekober at 683 naman ang mga binawian ng buhay.
Sa ngayon, nasa 306 na ang natitirang kaso ng nasabing virus sa lungsod.
Maliban pa rito, 66 na lang ang natitirang active cases sa Mandaue City; 95 sa Lapu-Lapu City; 56 sa Bohol; Probinsya ng Cebu, 311; Negros Oriental, 255; at 5 sa Siquijor.
Mayroon na lamang 1,094 na natitirang aktibong kaso sa buong Rehiyon 7.