-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 3,602 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa Isabela.

Sa inilabas na impormasyon ng Isabela Provincial Information Office nasa 3,602 na ang province wide active COVID-19 active cases ng lalawigan habang nasa 199 ang panibagong kaso.

Umakyat na sa 55,778 ang total cumulative COVID-19 cases sa Isabela kung saan 15 ang naitalang bagong nasawi at 444 naman ang bagong gumaling.

Nangunguna pa rin ang bayan ng Angadanan sa mya pinakamataas na kaso na umabot sa 19 na sinunadan naman ng Lunsod ng Ilagan na 18, Lunsod ng Cauayan na may 15, bayan ng Alicia na may14, Reina Mercedes na may 12 kaso, bayan ng Echague at San Agustin na may tig-11 isang kaso, lungsod ng Santiago na may 10 kaso, San Mateo na may 7, Sta. Maria na may anim na kaso, Cabagan na may limang kaso, at bayan ng Gamu na may apat na kaso.