Bumaba sa 97 nalang ang aktibong kaso ng Covid 19 sa PNP.
Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 18 bagong recoveries at 11 bagong kaso ngayong araw.
Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, ito ay mula sa pinakamataas na bilang ng aktibong kaso sa kanilang hanay na 3,217 nito lang Setyembre 17 ng taong ito.
Mula nang magsimula ang pandemya, 42,173 tauhan ng PNP ang tinamaan ng Covid 19, kung saan 41,951 ang naka-rekober, at 125 ang nasawi.
Ayon kay Carlos, ang 99 percent vaccination rate ng mga tauhan ng PNP ay malaking factor sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng Covid 19 sa kanilang hanay.
Sa bilang na ito halos 93 porsyento ang fully vaccinated na, at mahigit 6 na porsyento ang naghihintay nalang na maturukan ng pangalawang dose ng bakuna.