-- Advertisements --

BUTUAN CITY-Mariing kinondena sa Police Regional Office o PRO-13 ang ginwang pagpanghold-up ng aktibo nilang pulis sa Tagum City kahapon sa alas 5:30 ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Pat Raph A Doria, aktibong miyembro ng Prosperidad Municipal POlice Station, sa Agusan del Sur, at residente sa P-24 Poblacion, Bayugan City, Agusan del Sur.

Nangyari ang insidente sa loob ng GNG Passion Store Lapu-Lapu St. Magugpo Poblacion Tagum City kungsaan pumasok ang suspek na nakasiblyan at nagpang-gap na kustomer.

Nilapitan nito ang biktimang si Jema Bucia Aquino, 30-anyos, dalaga, isang Sales Attendant, na residente sa Purok Vipatil Magugpo East Tagum City, at nagdeklara ito ng hold up gamit ang issued firearms. Ngunit mabilis na nakaresponde ang personahe ngTagum City Police Station at matagumpay na na-aresto ang suspek.

Sa panayam kay Police Major Jennifer Ometer, tagapagsalit ng Police Regional Office o PRO-13, inihayag nitong off duty ang nasabing pulis na may personal umanong lakad.

Mahaharap ang pulis ng administrative at criminal cases.