-- Advertisements --

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na dahil sa pagkakaroon ng aktibong SIM card ni Alice Guo kaya ito naaresto ng mga otoridad sa tinutuluyan nitong townhouse sa Tangerang City, Indonesia.

Ayon kay BI Fugitive Search Unit chief Rendel Sy, may tatlong registered SIM ang dating alkalde at ang isa dito ay na nalocate ng mga Indonesian authorities.

Dahilan ito upang maaresto si Guo noong nakalipas na araw.

Su Guo ay nahaharap na sa Senate arrest ng mahuli ito sa Indonesia.

Ang summon ng senado ay dahil sa makailang ulit nitong pagliban sa pagdinig ng mataas na kapulungan ng kongreso hinggil sa ilegal na operasyon ng POGO sa kanyang bayan.