Agad humingi ang sikat na aktor na si Luis Mansano sa National Bureau of Investigation (NBI) ng 15 araw na palugit para sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya ng nasa 50 nagrereklamo sa kanyang kumpanya.
Una ng sinabi ng Flex Fuel na haharapin nila ang naturang kaso at gumagawa na sila ng mga hakbang para makipag-ugnayan sa mga naghahabol na mga investors.
Ayon kasi sa kumpanya, nalugi umano ang kanilang negosyo dahil sa epekto ng pandemya, giyera sa Ukraine at mataas na inflation rate sa bansa.
Itinanggi rin nila na scammer ang kumpanya taliwas sa mga ibinabato sa kanila ng mga naghahabol na investors.
Una rito, naisilbi na ng Criminal Investigation Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang subpoena laban sa aktor na si Luis Manzano.
May kaugnayan ito sa paghahain ng reklamo ng ilang investors sa naturang kumpanya.
Ayon sa National Bureau of Investigation, dapat umanong sagutin at harapin ng aktor ang kasong Large Scale Estafa na isinampa ng mga mga investors.
Lumalabas na nasa 50 ang nagrereklamo ang naghain ng kaso sa National Bureau of Investigation laban kay Manzano at Bong Medel.
Si Manzano ang tumayong Chairman at si Medel ang presidente ng kumpanya.