-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Hinimok ng Filipino-Italian actor na si Matteo Guidicelli ang mga kabataan na magkaroon ng mas masidhing pag-ibig sa bayan.

Aniya, isa sa mga paraaan para maipakita ang pag-ibig sa bansa ay ang pagiging isang army reservist.

Sinabi rin niyang kailangang mapatibay ang nasyonalismo at nation building sa mga kabataan.

Nagsilbi si Guidicelli bilang speaker sa ginanap na Sangguniang Kabataan (SK) National Convention sa Baguio City.

Una nang naging bahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Matteo bilang isang reservist.