-- Advertisements --
“Napa-sana all” ang mga fans ng aktor na si Paolo Contis sa kaniyang layunin na maging fit at healthy.
Naging motibasyon daw sa kaniyang pagbabawas timbang ng 30 pounds ang kanilang anak ni LJ Reyes na si Baby Summer.
Ginawa ito ng aktor sa pamamagitan ng ehersisyo at detox sa loob ng anim na buwan.
Itinigil na rin daw nito ang bisyong pag-inom lalo pa’t gusto niyang madagdagan ng maraming taon ang kaniyang buhay.
Ang mag-sweetheart na sina Paolo at LJ ay bago lang nagdiriwang ng kanilang 5th anniversary noong buwan ng Hulyo.