-- Advertisements --

Nilinaw ng actress na si Ria Atayde na sa pneumonia pa lang cleared ang kaniyang magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde, matapos unang makumpirmang positibo ang mag-asawa sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa mensahe ni Ria na ipinadala sa Bombo Radyo, hindi pa ganap na gumagaling ang dalawa mula sa bagong uri ng sakit.

“They no longer have pneumonia but they are not negative yet,” wika ni nakababatang aktres.

Umani naman ng kagalakan mula sa fans ang development na ito.

Lalo’t itinuturing ng mga manggagamot na malaking hadlang sa paggaling ng COVID patients kung ito ay may iba pang sakit, tulad ng pneumonia.

Magugunitang noong Marso 24, 2020 nang kumpirmahin ni Sylvia na nadapuan ito ng coronavirus, pati na ang kaniyang asawang si Art.