-- Advertisements --

Hinatulan ng korte ng Las Piñas City ng 2 hanggang 8 taong pagkakakulong si Denver Mayores, isang accessory sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Sinabi ng DOJ na umamin si Mayores ng guilty siya bilang accessory sa krimen na humantong sa kanyang conviction na ibinaba ni Las Piñas City Regional Trial Court Judge Harold Huliganga noong Disyembre 4, 2023.

Nakipagsabwatan umano si Mayores kay dating prisons chief Gerald Bantag, na nagtatago pa rin hanggang ngayon.

Inakusahan ng pulisya na si Bantag at ang kanyang deputy security officer na si Ricardo Zulueta ang nasa likod ng pagpatay kay Mabasa o kilala bilang “Percy Lapid.”

Binanggit din ng DOJ na ang development na ito ay kasunod ng paghatol ng tatlo pang pinuno ng Bilibid gang, na sina Aldrin Galicia, Alvin Labra at Alfie Penaredonda.

Ang tatlo ay sangkot umano sa pagkamatay ni Jun Villamor, isang preso na nagpasa umano ng kill order sa gunman na bumaril kay Mabasa.

Sinabi ng DOJ na mahigpit nilang inoobserbahan ang nagpapatuloy ng paglilitis, kabilang ang kaso ng umano’y gunman na si Joel Escorial, na humihingi ng mas mababang sentensiya at ilipat sa Abuyog prison ang penal farm sa Leyte.

Samantala, nauna nang itinanggi ni Bantag ang anumang katiwalian o papel sa mga pagpatay kay Lapid.