-- Advertisements --
Nagpasok ng guilty plea ang umano’y gunman sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin noong nakaraang taon.
Sinabi ni Prosecutor Juan Pedro Navera na umamin sa pagkakasala ang self-confessed gunman na si Edgardo Luib, matapos itong mabasahan ng sakdal sa sala ni Olongapo RTC Branch 72 Judge Richard Paradeza.
Tiniyak din ng akusado na nauunawaan niya ang pag-amin sa krimen at hindi siya napipilitan sa nasabing pahayag.
Giit nito, nakokonsensya na siya kaya niya isiniwalat sa korte ang partisipasyon sa pangyayari.
Dati nang sinabi ni Luib na binaril niya si Dominic at bodyguard nitong si Efren Espartero dahil sa utos ng nakababatang kapatid ng negosyante na si Dennis Sytin, na hanggang ngayon ay nagtatago.