-- Advertisements --

Hindi umano involve ang Television and Production Exponents Incorporated (TAPE Inc.) sa pag produce ng pelikula na ‘The Rapists of Pepsi Paloma’, kaugnay ito ng mga akusasyon na involved umano ang naturang kumpanya.

Na mariing pinabulaanan ng kontrobersyal na director na si Darryl Yap at sinabing na ang kaniyang pelikula ay hindi na i-produce ng mga ‘Anti-Sottos’.

‘The Rapists of Pepsi Paloma is not under TAPE Inc. It was not funded by Anti-Sottos, and definitely not made to clear the Sotto Connection,’ ani Yap.

Samantala, maaalala namang pareho nang nagkita kamakailan si Vic Sotto at Darryl Yap sa Muntinlupa court sa isinagawang hearing para sa isinampang kaso ni Vic kay Yap.

Kung saan hindi na nagbigay ang dalawa ng panayam sa media.