Wala umanong nakikitang problema ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa operasyon ng Chinese telecommunication company na Huawei sa bansa.
Ito’y sa kabila ng akusasyon ng Estados Unidos sa kompanya na pinatatakbo umano ng gobyerno ng China at hindi ng isang pribadong indibidwal.
Batay sa naunang ulat, inakusahan ng Amerika ang Huawei na ginagamit ang kanilang produkto para makapag-espiya ang Beijing sa iba’t-ibang bansa.
Kamakailan nang tumayong main sponspor ng PNP ang kompanya.
Sa kabila nito tiniyak ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na walang kontrata ang Pambansang Pulisya sa Huawei.
Siniguro rin ng opisyal na dadaan sa tamang proseso sakaling mag-alok ng partnership ang kompanya sa PNP.
Kaugnay ng akusasyon, ipinagutos na rin umano ni Albayalde ang imbestigasyon dito