-- Advertisements --

Ibinunyag ng White House na mayroong command center ang Hamas sa ilalim ng Al Shifa hospital sa Gaza.

Sinabi ni National Security Council spokesman John Kirby na isang command and control node mula sa ilalim ng al Shifa sa Gaza na kontrolado ng Hamas at Islamic Jihad.

Mayroong mga armas umano ang mga ito doon at handa silang makipagsabayan sa anumang paglusob ng mga sundalo ng Israel.

Magugunitang kinondina ng ilang grupo ang ginawang paglusob ng Israel Defense Forces sa nasabing pagamutan dahil sa maraming mga sibilyan na ang nasawi.