-- Advertisements --

Nagdesisyon ang ALA Boxing na itigil na ang kanilang operasyon at magsara.

Sa kanilang kanilang Facebook post, pinasalamatan ng kumpanya ang kanilang fans na tumangkilik sa kanilang ALA Promotions at ALA Gym sa loob ng 35 taon.

Labis silang naapektuhan sa matagal na pagsasara ng ABS-CBN .

Inanunsiyo rin nila na kanilang pakakawalan ang kanilang mga boksingero para makahanap ng bagong boxing promoter.

Magugunitang ilan sa mga boksingerong hawak ng ALA Boxing ay sina Donnie “Ahas” Nietes at Milan Melindo.

Pag-aari nina Tony Aldeguer at anak nitong si Michael na itinaguyod noong 1985 sa Cebu.

Sila lamang ang promotional company mula sa Pilipinas na nagsagawa ng boxing events sa Dubai at sa US.