Milyon-milyong mamamayan ng Alabama ang naglabas ng kanilang hinaing hinggil sa tuluyan nang paglagda ni Alabama’s governor Kay Ivey sa panukalang magbabawal sa abortion ng mga kababaihan sa nasabing bansa. Kasama na rito ang mga naging biktima ng panggagahasa o incest.
Ito ay matapos isapubliko ng isang mamamahayag sa Estados Unidos ang litrato ng 22 pulitiko na sumang-ayon sa panukalang ito.
Kung saan karamihan sa mga pulitikong ito ay kalalakihan at may edad na.
Ang pagkakapasa sa bagong batas ay nagbunsod ng kritisismo mula sa mga women’s right advocates sa iba’t ibang sulok ng mundo.
Ayon sa kanila, karapatan ng ina na magdesisyon para sa kanyang sariling kapakanan.
Sa kabila nito, itinuturing naman ni Ivey na isang tagumpay para sa bansang nasasakupan ang pagkakapasa sa nasabing batas.
Hindi naman naitago ng kolumnistang si Ricky Jones ang galit na nararamdaman at sinabi nitong hindi lang umano si Hilary Clinton ang tanging babae sa Amerika na dapat ikulong.
Maaaring parusahan ng 10 hanggang 99 na taong pagkakakulong ang kung sino man na mapatutunayang sumailalim sa pagpapalaglag.