-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nananatili sa isolation unit si Mayor Vic Paul Salarda sa Alabel, Sarangani Province matapos na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Mayor Salarda na noong nakaraang linggo ay naramdaman nito ang mga sintomas sa COVID 19 gaya ng lagnat at pananakit ng katawan maging ito ay nawalan rin ng panlasa.

Ngunit ayon rito hindi na siya isinugod sa ospital at ngayon ay nakarekober na ang umano ito.

Kinumpirma rin ng alkalde na nagpositibo rin sa COVID 19 ang kanyang misis at iba pang opisyal sa Alabel, Sarangani Province.

Inihayag nito na nakuha ang virus sa isa sa kanyang bisita sa opisina kung saan kanilang nalaman na ang driver ng nasabing bisita ang unang nahawa sa virus.

Nanawagan ito sa lahat na dapat magdoble ingat sa panahong ito dahil kahit sino ay maaaring magkaroon ng COVID 19.