-- Advertisements --

Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang publiko na huwag kalimutan ang pamanang diwa ni Gat Andres Bonifacio ngayong ika-161 taon ng kaarawan nito.

Ayon sa pangalawang pangulo, mahalaga na ang pagdiriwang natin sa kadakilaan ni Bonifacio ay magbukas ng ating kamalayan sa kalagayan ng ating bansa katulad na lang ng kahirapan, gutom, kawalan ng trabaho, at kawalan ng mga pangunahing serbisyo para sa napakaraming mga Pilipino.

Ito rin umano ang isa sa mga nagbigay sa atin ng inspirasyon para magsumikap at maging tapat at tunay na mamayang Pilipino.

Kaya hangad ng opisyal na manatiling buhay ang diwa ng pinuno ng Katipunan sa ating mga puso.

Aniya, dapat na ipalaganap ang mensahe ng kabayanihan sa isa’t isa at sana ay maging apoy itong mag-alab para tayo ay maging mas matatag, matapang, at naninindigan sa anumang pagsubok.