Itinuring na bayani ng mga residente sa isang lugar sa northern Thailand ang aso na nag-rescue sa baby boy na ibinaon sa lupa.
Naging daan ang aso na si Ping Pong upang matunton ang baby na ibinaon ng sariling ina.
Sinasabing ginawa ng teenager na ina ang pagbaon sa anak upang itago sa mga magulang ang ipinagbuntis.
Ayon sa may-ari ng aso na si Usa Nisaikha nakita na lang nila ang alaga na may hinuhukay sa lupa at tahol ng tahol sa Ban Nong Kham village.
Laging gulat na lang nila nang makita ang paa ng bata na nakaangat sa lupa.
Agad naman nilang isinugod sa ospital ang baby at swerteng nabuhay ito.
Natunton na rin ng mga otoridad ang ina kung saan nahaharap ito sa kasong child abandonment at attempted murder.
Sasailalim din ito sa psychological care.
Ang baby naman ay aalagaan na lamang ng lolo at lola nito.
Samantala lalo namang sumikat ang aso sa lugar sa kabila na putol din ang isa nitong paa matapos na masagasaan noon ng kotse. (bbc)