CAGAYAN DE ORO CITY – Naging pinaka-emosyonal ang last vigil ng yumaong kadete ng Philippine Military Academy, nitong Martes ng gabi sa Cosmopolitan Funeral Homes, nitong syudad.
Mas tumindi pa ang emosyon ng pamilyang Dormitorio mula nang marinig nilang tila umiiyak, balisang balisa at tumatahol ang alagang aso ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio habang itoy nasa malayo at gustong malapitan ang kanyang yumaong amo.
Nang mapayagan at makontrol ng K-9 handle ang balisang balisang si Brando, halos lumukso ito sa kabaong ni Darwin ng makita niya ng malapitan ang kanyang amo.
Mula Martes ng gabi ay hindi na kumain si Brando, at tila nang hihina.
Hindi lang ang pamilya kundi ang mga bisita ng pamilya Dormitorio ang nakasaksi sa tumutulong luha ng alagang aso ni Darwin.
Kung ma-ala-ala, sa huling sulat ng kadete, inihayag nitong namimis niya ang buong pamilya pati na ang kanyang alagang aso na si Brando.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa K-9 Handler ng PNP-10, sinabi nitong ramdam niya ang matinding attachment ng aso sa kanyang pumanaw na amo, kung kaya’t itoy balisa at nanghihina, simula kagabi.
Kabilang sa dumalo sa burol ni Darwin ay ang mga magulang ng kanyang mga classmates sa PMA.