(Update) CENTRAL MINDANAO – Nanghihina umano ang isang alagang kalabaw na animo’y naglilihi nang gahasain ito ng isang lasing na lalaki sa probinsya ng Cotabato.
Nakita pa umano ng dalawang babae nang halayin ng isang lasing ang alagang kalabaw ng kanilang kapitbahay sa isang barangay sa bayan ng Midsayap, Cotabato dalawang linggo na ang nakakalipas.
Kitang-kita raw ng dalawang testigo kung paano nakipag-sex ang lasing sa alagang kalabaw ng kanilang kapitbahay.
Animo’y nagustuhan din raw ng hayop ang panghahalay ng lalaki dahil hindi umano ito pumalag at hindi rin nag-ingay.
Dahil sa takot ay tumakbo ang dalawang babae at nagpasaklolo sa kanilang mga kapitbahay na lalaki kaya dito na kumaripas ng takbo ang suspek.
Kinumperma rin ng may-ari ng kalabaw na nanghihina ang kanyang alaga,laging pagod ,animoy naglilihi at minsan lang kumain.
Naalarma naman ang ilang residente lalo na ang ilang mga babae sa takot na baka sila naman ang balikan ng manyakis.
Sa ngayon ay nagtutulungan ang mga opisyal ng barangay at mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa pagroronda tuwing gabi at inalerto rin ang mga residente laban sa suspek.