CENTRAL MINDANAO-Ikinagulat ng mga residente ng Alamada North Cotabato nang umulan ng yelo o ice sa kanilang lugar.
Sa FB Post ni Ervien Benedict Tenizo ay nakunan nito ng video sa kanyang cellphone ang pag-ulan ng yelo na mas malaki pa sa butil ng mais sa Brgy Pigcawaran sa bayan ng Alamada.
Tumagal lamang ng ilang minuto ang pag ulan ng Yelo sa Alamada na sinabayan ng malakas na hangin at ulan.
Paliwanag ng PAGASA, Normal lamang sa isang lugar ang makaranas ng Hailstorm o Pag ulan ng yelo lalo na kung may thunderstorm at makakapal na ulap ang isang lugar.
Maliban dito.ang bayan ng Alamada ay isang bulubunduking lugar, malapit ito sa ulap at malapit din ang distansya ng lupa sa himpapawid kung saan nabubuo ang tinatawag na cumulonimbus clouds na nagdadala ng mga malalakas na pag ulan.