Binigyang paliwanag ngayon ni social researcher Mark McCrindle ang ibig sabihin ng mga iba’t-ibang generation.
Ang Builders na isinilang mula 1925 hanggang 1946 ay yung mga tinatawag na haligi na ng lipunan.
Sa nasabing henerasyon ay maipapakita ang kanilang katatagan sa mga pagsubok ng panahon kung saan nagsimula ang kanilang buhay matapos ang depression at mapapakinggan sa kanila ang mga kuwento ng World War 1 mula sa kanilang mga magulang at nabuhay noong World War 2.
Itinuturing na sila ang seniors ng komunidad na sila ang nagtayo ng mga institusyon at mga imprastraktura.
Kaya naman tinawag na Baby Boomers ang mga isinilang mula 1946 hanggang 1964 ay dahil sila ang henerasyon na naganap pagkatapos ng World War II kung saan ang fertility rate ng mga babae ay 3.5 na sanggol kada babae.
Ang pagtaas ng populasyon ay siyang nagresulta sa pag-BOOM ng ekonomiya, pabahay, konstruksyon at imprastruksyon.
Ang mga Generation X naman na isinilang mula 1965 hanggang 1979 ay kagaya rin ng Baby Boomers na marami sa kanila ang nagkaroon ng property ownership bandwagon.
Ang X label ay mula kay Douglas Coupland na isang Canadian novelist ,designer at visual artist.
Itinuturing na ang GenX ngayong panahon ay nasubok at maraming napagdaanan na hirap.
Ang mga Generation Y o kilala bilang mga Millennials ay isinilang mula 1980 hanggang 1994 ay mga mahihilig sa mga smashed avocado, kape at pagbiyahe sa ibang bansa.
Sinasabing ang mga ito ay parang hindi na nakalabas sa housing market dahil sa panahong ito ay tumaas ang presyo ng mga pabahay habang hindi tumataas ang pasahod.
Ang mga Generation Z naman na isinilang mula 1995 hangang 2009 ay maituturing na pinapahalaga ang pakakaroon ng edukasyon na siyang magiging kanilang pundasyon sa buhay.
Sa nasabing henerasyon ay nakatuon na kailangan nilang magtrabaho para makamit ang mga bagay na nais nila sa buhay.
Kaya naman tinawag na Generation Alpha ang mga isinilang mula 2010 hanggang 2024 ay dahil hindi pa sila matanda at nagsisimula sila ng bago.
Kadalasan sa kanila ay hinuhubog na bagong millenium dahil sa panahon nila ay nagsulputan ang mga iba’t-ibang social media platform at mga makabagong teknolohiya.
Maituturing din na marami na rin silang mga maikukuwento tungkol sa nangyaring COVID-19 pandemic.
Habang ang Generation Beta na hindi pa naisisilang mula 2025 hanggang 2039 ay inaasahan na technologically integrated generation.
Natitiyak naman na ang nasabing henerasyon ay nagugugul ang mas maraming mga teknolohiyang lumulutang sa mundo. (source: McCrindle.com. au)