-- Advertisements --

Tatlong bahagi ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) ang isasara sa trapiko ngayong weekend upang magbigay-daan sa road reblocking at repairs.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na sinimulan kagabi ang pagsasa-ayos sa ilang kalsada sa EDSA dakong alas-11:00 kagabi, Abril 30.

Kasama sa mga apektadong bahagi ng EDSA ang north bound portion sa harapan ng Landers, unang lane mula sa sidewalk; north bound mula Quezon Avenue hanggang Landmark, unang lane mula sa bike lane; at southbound section ng Trinoma Mall, ikalawang lane mula sa sidewalk.

Samantala, pansamantala ring isasara para ayusin ang ikalawang lane naman mula sa sidewalk ng C-5 Road bago ang Magsaysay Avenue, unang lane mula center island ng Agham Road sa tapat ng Office of the Ombudsman at unang lane mula sa sidewalk ng West Avenue mula Times Street hanggang Quezon Avenue.

Dagdag pa ni Villar na gagamitin ng DPWH-National Capital Region ang one-day curing concrete mix upang ayusin ang mga apektadong road lanes nang sa gayon ay muli na itong buksan sa Lunes, Mayo 3.

Inaabisuhan din ang mga motorista na planuhin ng mabuti ang kanilang paglalakbay at tingnan ang mga posibleng alternatibong ruta sa inyong pupuntahan.