-- Advertisements --
WONG PRES COMORBID VACCINATION
IMAGE | Dr. John Wong’s presentation/Screengrab, DOH

MANILA – Pitong comorbidity o sakit ang ikinokonsidera ng pamahalaan para masali ang isang indibidwal sa prioritization ng pagbabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa ilalim kasi ng COVID-29 vaccine prioritization framework, ikatlo sa listahan ng mga mababakunahan ang hanay ng may mga comorbidities.

Kabilang sa mga sakit na prayoridad ng gobyerno sa pagbabakuna ay ang: chronic respiratory disease, hypertension, cardiovascular disease, chronic kidney disease, malignancy, diabetes mellitus, at obesity.

“(These comorbidities) increases a persons risk for hospitalization or death if they get infected to COVID-19,” ayon sa epidemiologist na si Dr. John Wong.

“If you look at the chronic respiratory disease, these patients (diagnosed with) have 4-times more likely to get severe disease when get infected (to COVID-19); 3-times be likely admitted to ICU; 4-times more likely to die, and over-all their risk is 3.5-times to get an adverse outcome.”

Paliwanag ni Dr. Wong, na miyembro rin ng IATF-Technical Working Group on Data Analytics, may pag-aaral noong 2020 kung saan lumabas na 21.32% o 12.1-million sa mga Pilipino ang isang iniindang sakit.

Tinatayang 25.55% o 14.5-million ang may higit sa isang comorbid, at 4.23% o 2.4-million ang may higit sa dalawang karamdaman.

“Chronic liver disease was studied, but since there weren’t enough patients on the sample size the results were not significant.”

V297
IMAGE | Dr. John Wong’s presentation/Screengrab, DOH

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, maaaring ipakita ng mga indibidwal na pasok sa naturang priority sector ang mga katibayan na sila ay mayroon ngang “controlled comorbidity.”

Kabilang na rito ang medical certificate; diagnosis tulad ng medical abstract; prescription ng doktor sa nakalipas na 6-months; at pathology at laboratory results.

“Kung may high blood tapos hindi controlled and during the time that you were assessed mataas ang blood pressure, hindi nakakainom ng gamot, ima-manage muna bago siya mabakunahan.”

Nilinaw ng mga opisyal na hindi na titimbangin kung sino ang uunahin mula sa comorbidity priority group.

Kailangan lang daw makita na ang kanilang sakit ay pasok sa pitong inisyal na listahan ng gobyerno.

“Yung sub-priotization natin will just include the list of those diseases na mayroon tayong scientific basis of poor outcomes. ‘Yun ang ating means of sub-prioritizing,” ani Vergeire.

Ngayong araw daw ilalabas ng Department of Health (DOH) ang protocol sa pagbabakuna ng mga nabanggit na sektor.

Binigyang diin naman ni Dr. Wong na sumunod sa healthcare workers, mahalagang mabakunahan ang hanay ng mga may comorbidity at senior citizens dahil sa panganib na banta sa kanila ng COVID-19.

“Because of the current scarcity of vaccines, we have to prioritize those who have highest-risk for hospitalization and deaths.”

Batay sa huling datos ng National Task Force against COVID-19, as of March 23, mayroon nang 508,332 medical frontliners na nabakunahan laban sa coronavirus.

Kamakailan nang maglabas ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force na pinapayagan ang sabayang pagbabakuna sa A1 hanggang A3 priority groups.

Pasok sa mga grupong ito ang healthcare workers, senior citizens, at mga may comorbidity.