-- Advertisements --

Papayagan na makapasok sa Pilipinas ang mga foreign nationals na nabigyan ng immigrant o non-immigrant visas simula ngayong araw.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, alinsunod ito sa ruling ng Inter-Agency Task Force on the Management of Infectious Diseases na magbibigay pahintulot sa mga foreign students, investors at manggagawa na makapasok sa bansa.

BI bureau of immigration

Maaari ring magamit ang naturang entry privilege ng mga banyaga na kwalipikado sa ilalim ng Balikbayan Program.

Nilinaw naman ni Morente na ang mga pasahero mula India, o may travel history sa nasabing bansa sa nakalipas na 14 na araw ay hindi pa rin papayagan na pumasok ng Pilipinas upang hindi na kumalat pa lalo ang kaso ng Indian varian ng coronavirus disease.

Maaari pa rin namang makapasok ang mga diplomats at miyembro ng international organizations, habang ang ibang banyaga naman na papasok sa bansa ay kinakailangan pa ring magpakita ng kanilang pre-booked accommodation sa mga quarantine-accredited hotels.

Obligado rin silang sumailalim sa COVID-19 testing sa ika-anim na araw ng kanilang pananatili sa hotel.

Sinabi naman ni BI port operations chief Carlos Capulong na magpapatuloy pa rin ang implementasyon ng mga naunang patakaran sa pre-booked accommodation.

Ang sinumang hindi makakapagbigay ng mga kinakailangang dokumento ay kaagad pasasakayin sa susunod na flight pabalik sa kanilang port of origin.