MANILA – Ikinabahala ng World Health Organization (WHO) ang mga ulat tungkol sa kumakalat na pekeng COVID-19 vaccines sa iba’t-ibang bansa.
Sa report ng International Criminal Police Organization (Interpol) noong March 3, aabot sa 2,400 doses ng pekeng bakuna ang nasamsam mula sa isang warehouse sa South Africa.
Inamin naman ng WHO na may mga nakalusot din na pekeng coronavirus vaccine sa Mexico. Ilang indibidwal daw ang pinaniniwalaang nakatanggap ng naturang pekeng medical product.
Paliwanag ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas, sa ngayon wala pang kahit anong bakuna laban sa COVID ang rehistrado at pwedeng ibenta sa publiko.
“Emergency use authorization is issued for unregistered vaccines in a public health emergency situation. It is not a certificate of product registration or marketing authorization,” ani Dr. Oscar Gutierrez Jr., deputy director general ng FDA.
Ayon kay Dr. Gutierrez wala pa namang natutuklasan ang ahensya na nakapuslit na pekeng bakuna sa Pilipinas, bagamat nakatanggap na sila ng mga report tungkol dito.
Malaki raw ang panganib kapag naturukan ng pekeng bakuna ang isang tao. Kabilang na rito ang pagkalason at pagkamatay.
“They are ineffective and gives false sense of protection. That person (inoculated with fake vaccine) may get infected and spread infection to the community.”
“It can lead to severe disease, permanent disability or death.”
TIPS VS FAKE VACCINES
Ayon sa FDA official, maituturing na “counterfeit drug” ang mga pekeng bakuna. Ibig sabihin, maaaring naglalaman ang mga ito ng mga maling sangkap at kulang sa kalidad.
“Purposely and fradualently mislabeled in terms of identity, source, or packaging. It bearing without authorization without trademark, trade name, or other identification mark.”
Payo ng opisyal, importanteng busisiin ng isang taong bakunahan ang bakuna na gagamitin o iaalok sa kanya.
Ilan sa mga partikular na detalye na dapat daw tingnan ng publiko para malaman kung peke ang bakuna ay ang: hindi maayos na labelling, kulang na impormasyon sa storage at expiration date, at kahina-hinalang packaging.
“The vials may be dirty of scratch, rubbers, caps is dent or broken, rubber seals are punctured.”
“For products that need to be diluted, the color changes or solution becomes cloudy; there are foreign matters inside the vial.”
Makakasiguro lang daw na lehitimo at ligtas ang bakuna kung tatanggapin ito sa authorized vaccination site ng Department of Health.
Gayundin kung may proseso tulad ng pre-vaccination screening at post-vaccination monitoring.
Binigyang diin din ni Dr. Gutierrez na libreng ipinapamahagi ang mga bakuna. Ibig sabihin walang kailangan na reservation, advance o kahit ano pang paunang bayad.
“Here in the Philippines, no vaccine are allowed to be sold in drug outlets, and even in clinics or hospitals… never buy COVID-19 vaccines online or marketplaces.”
“Sometimes a laboratory test is the only way to identify the difference.”
SANCTIONS, SURVEILLANCE
Mayroong probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 8203 o Special Law on Counterfeit Drugs na nagbibigay parusa sa mga mapapatunayang sangkot sa distribusyon ng pekeng bakuna.
Pati na ang mga nagpapasok sa bansa, nagma-manufacture, nagbebenta at nagmamay-ari ng fake vaccines.
“It mandated collaboration with Bureau of Customs, National Bureau of Investigation, and other government agencies.”
Maaari rin daw managot ang mga nasa likod ng pagpuslit ng pekeng bakuna sa ilalim ng FDA Law.
Ayon kay Dr. Gutierrez, inaasahang madadagdagan pa ang pwersa ng FDA inspectors at agents sa National Capital Region sa susunod na linggo.
Sa ngayon apat na brand ng COVID-19 vaccines pa lang ang may EUA sa Pilipinas. Kabilang na rito ang gawa ng Pfizer-BioNTech (US-Germany), AstraZeneca (United Kingdom), Sinovac (China), at Gamaleya (Russia).
Ang mga bakuna pa lang ng AstraZeneca at Sinovac ang ginagamit ngayon sa mga Pilipino.