Inilabas ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga immunocompromised conditions na bibigyan ng prayoridad sa pagkuha ng pangatlong doses ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang listahan ng mga immunocompromised conditions ay pinagtibay mula sa rekomendasyon ng World Health Organization’s Strategic Group of Experts on Immunization (WHO’s SAGE).
Dagdag pa nito na very specific sila na naglalagay ng mga guidelines dahil ito ay adopted sa recommendations ng WHO SAGE at nakapaloob din sa EUA (emergency use authorization).
Sinabi ni Vergeire na ang mga uunahin sa pagbibigay ng ikatlong doses ay ang mga sumusunod:
– ang mga nakakatanggap ng aktibong paggamot sa kanser para sa mga tumor o kanser sa dugo
– nakatanggap ng organ transplant at kumuha ng immunosuppressive therapy
– nakatanggap ng stem cell transplant sa loob ng huling dalawang taon o kumukuha ng immunosuppressive therapy
– may katamtaman o malubhang pangunahing estado ng immunodeficiency
– may advanced o hindi nagamot na impeksyon sa HIV
– pagtanggap ng mga aktibong paggamot na may corticosteroids o iba pang mga gamot na maaaring sugpuin ang immune response
– mga pasyente ng dialysis
– mga taong nabubuhay na may sakit na autoimmune at paggamot na may mga partikular na immunosuppressive na gamot
– diagnosed na may mga kondisyon na itinuturing na may katumbas na antas ng immunocompromised ayon sa payo ng kanilang manggagamot
– mga taong may bihirang sakit
Sinabi rin nito na ang mga indibidwal na may ganitong mga kondisyon ay dapat makakuha ng medical clearance mula sa kanilang mga doktor bago tumanggap ng pangatlong shot ng bakunang COVID-19.
Sinabi niya na ang DOH at ang All Experts Group ay kailangan pa ring i-finalize ang mga alituntunin para sa pagbibigay ng ikatlong doses bago ipahayag kung kailan maaaring ibigay ang ikatlong shot para sa mga immunocompromised na indibidwal at senior citizens.