-- Advertisements --
https://www.facebook.com/bomboradyophilippines/videos/467130600817112/

Pormal nang inihalal ng mga kongresista si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano bilang ika-22 Speaker ng House of Representatives.

Sa botong 226, tinalo ni Cayetano ang kapwa nominado na si Manila City Rep. Benny Abante Jr. na nakakuha naman ng 28 votes.

Nag-abstain naman sa botohan sina Buhay party-list Rep. Lito Atienza at Magdalo party-list Rep. Manuelito Cabochan III, habang hindi naman bumoto si Albay Rep. Edcel Lagman.

Sina Davao Rep. Paolo Duterte, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Leyte Rep. Lord Allan Velasco ang nagnomina kay Cayetano sa speakership post.

Si Abante naman ang ininomina nina Iloilo Rep. Janet Garin at AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin.

Inaasahang uupo bilang lider ng Kamara si Cayetano sa loob ng 15 buwan.

Pagkatapos nito ay ipapaubaya naman nito ang naturang posisyon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, na pangungunahan ang Kamara sa susunod na 21 buwan.