-- Advertisements --

Nagdesisyon si dating Gilas Pilipinas player at PBA Most Valuable Player Jimmy Alapag at pamilya nito na manirahan na sa US.

Ayon sa representative nito na si Charlie Dy, na magtutungo ang pamilya ni Alapag sa Los Angeles, California.

Ang nasabing pagtungo nila sa US ay ilang linggo matapos na dumanas ng miscarriage sa ikaapat sanang anak nila ng asawang si TV host LJ Moreno.

Taong 2003 ng naging 10th overall first-round pick ng Talk ‘N Text sa PBA draft at naglaro sa liga ng hanggang 2016.

Huling koponan kung saan siya naglaro ay sa Meralco Bolts.