Nagpahayag ng kahandaan si dating Gilas Pilipinas captain Jimmy Alapag sakaling alukin sa kanya ang pagiging head coach ng men’s national team.
Gayunman, batid ni Alapag kung gaano katindi ang pressure sa paghawak ng Gilas.
“I would be ready,” wika ni Alapag. “That job is a unique opportunity, but comes with a huge responsibility.”
Aminado si Alapag na nasaktan din ito sa hindi pag-usad ng Gilas sa kanilang kampanya sa FIBA World Cup kung saan lumagapak ang mga Pinoy sa huling puwesto sa 32-team field.
Sa kabila nito, mas nabigyan daw ng rason si Alapag na tanggapin ang trabaho.
“It’s humbling. It’s an absolute honor,” ani Alapag. “You guys know how much the Gilas program means to me, having been a part of the program for so long.”
“It was tough because I think we all know that it wasn’t our best performance and we’re capable of much, much better,” he said. “But it happens. So rather than blaming anyone or anything like that, it’s just a matter of how can we move forward and be better.”
Isa ang mga pangalan ni Alapag sa mga lumulutang na posibleng sunod na maging head mentor ng Gilas.
Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), posible raw mapag-usapan sa darating na weekend ang nasabing isyu.