-- Advertisements --
Babandera sa coaching staff ni Tim COne para sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games sina Jimmy Alapag, Jong Ulchico at Joe Devance.
Anunsyo ito ni Cone matapos ang labang ng Barangay Ginebra at Phoenix Pulse sa PBA Governor’s Cup.
Ayon kay Cone, isasama rin niya ang kanyang staff sa Gin Kings bukod kay Olsen Racela, na abala sa pagiging lead mentor ng Far Eastern University Tamaraws.
Kabilang din sa mga miyembro ng staff ni Cone sina Richard Del Rosario, Kirk Collier, at Freddie Abuda.