-- Advertisements --

Nagkamit ng bronze medal ang Alas Pilipinas Girls sa 22nd Princess Cup Southeast Asian Under-18 Women’s Volleyball Championship.

Ito ay matapos na ilampaso nila ang Australia, 25-13, 25-21, 25-20 sa laro na ginanap sa Nakhon Pathom Gymnasium sa Thailand.

Sa ilalim ni rookie Japanese coach Taka Minowa, ay nalampasan ng Alas Pilipinas ang dating fourth place record ng dating national youth team.

Dominado ng Alas ang laro sa unang set hanggang sa nakahabol ng bahagya ang Australia sa second set subalit hindi na hinayaan nilang makalamang pa ang Australia.

Nanguna sa panalo ng Alas si Jia De Guzman at Angel Canino na sila rin ang naging susi sa bronze medal win ng koponan sa AVC Challenge Cup noong nakaraang buwan ng talunin din ang Australia.