Naghahanda na ang national volleyball team ng bansa na Alas Pilipinas para sa kanilang training camps sa ibang bansa.
Ayon kay Philippine National Volleyball Federation president Tats Suzara, na isasagawa ang training ng koponan sa Japan at Europea.
Ang nasabing hakbang ay bilang paghahanda sa hosting ng bansa ng 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship mula Setyembre 12 hanggang 28.
Dagdag pa ni Suzara bilang siya rin ang pangulo ng AVC at FIVB Executive Vice President , na bukod sa Japan ay mayroon silang training camp sa Portugal, Spain at Italy.
Target nito na magsanay ang koponan ng hanggang apat na buwan sa ibang bansa para mas lalo silang nakahanda.
Pagdating ng Hunyo ay plano nilang magkaroon ng friendly games sa South Korea, Japan at isang bansa sa Europa.