-- Advertisements --

Nais ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na panatilihin pa rin ang mga manlalaro ng Alas Pilipinas.

Kasunod ito sa pagkakasungkit nila ng bronze medal sa katatapos na AVC Challenge Cup laban sa Austraila.

Ayon kay PNVF president Ramon “Tats” Suzara, na bukod sa pagpapanatiling intact ang nasabing koponan ay magdadagdag pa silang mga manlalaro.

Ilan sa mga idadagdag nila ay sina Bella Belen, Alyssa Solomon, at Casiey Dongallo.

Naniniwala din ito na sa susunod na taon sa pagsabak nila sa Southeast Asian Games ay magiging malakas na ang koponan.

Gaganapin ang SEA Games sa Thailand sa susunod na taon.