-- Advertisements --

Hindi nagtagumpay ang Alas Pilipinas men’s volleyball team sa AVC Challenge Cup for men na ginanap sa Bahrain.

Ito ay matapos na mabigo sila laban sa defending champion na Thailand para makuha sana ang ika-9 na puwesto.

Umabot sa apat na set ang laban nila ng Thailand kung saan isang set lamang ang naipanalo ng Alas Pilipinas sa score na 20-25, 25-23, 22-25, 20-25 sa laro na ginanap sa Isa Sports City sa Bahrain.

Hindi na naulit ng Alas Pilipinas mens volleyball team sa pamumuno ni coach Sergio Velasco ang panalo nila noong Linggo laban sa Indonesia.