-- Advertisements --
Nananatiling walang talo pa rin ang Alas Pilipinas sa Pool A ng 2024 AVC Challenge Cup for Women.
Ito ay matapos na talunin nila ang Chinese Taipei 25-13, 25-21 at 25-18 sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Stadium.
Nanguna sa panalo ng Alas sina Eya Laure at dating Ateneo standouts Vanie Gandler at Faith Nisperos.
Sa nagdaan apat na araw ay magkakasunod na nagwagi ang Alas Pilipinas na ang unang tinalo nila ay ang Australia, India at Iran.
Ang ALAS Pilipinas ay siyang unang national federation 63-taon sa kasaysayan na umabot sa AVC-sanctioned semifinals.
Susunod na makakaharap nila ang Number 2-seed na Kazakhstan sa Pool B na ang laro ay gaganapin sa araw ng Martes.