-- Advertisements --

Nagkamit ng bronze medal sa 2024 SEA VLeague ang Alas Pilipinas.

Ito ay matapos na talunin nila ang Indonesia sa score na 25-23, 15-25, 25-23, 25-21 sa laro na ginanap sa Vinh Phuc, Vietnam.

Ang panalo ay siyang unang medalya ng Pilipinas matapos ang limang taon.

Ito na rin ang pangalawang bronze medal ng Alas Pilipinas ngayong taon matapos ang AVC Challenge Cup sa ilalim ni Brazilian coach Jorge Souza De Brito.

Bumida sa panalo ng koponan si Alyssa Solomon na nagtala ng 16 points na mayroong 14 na atake at isang block.