Nakuha ng ALAS Pilipinas ang unang panalo sa 2024 AVC Challenge Cup for Women.
Ito ay matapos na talunin nila ang Australia 22-25, 25-19, 25-16, 25-20 sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Stadium.
Sa unang set ay nagwagi ang Australia subalit pagpasok ng ikalawa hanggang sa ikaapat na set ay hindi na hinayaan pa ng ALAS na mapahiya sa halos 5,000 fans.
Nagtulong-tulong sina Sisi Rondina, Angel Canino, Thea Gagate, at Fifi Sharma para talunin ang Australian team.
Mayroong 17 points at 15 attacks, isang block at ace si Angel Canino habang mayroong 17 points mula sa 14 attacks, dalawang aces at blocks si Eya Laurel.
Nagtala din ng 16 points si Sisi Rondina at 11 points naman si Thea Gagate.
Susunod na makakaharap ng Alas Pilipinas ang India ngayong Biyernes.