-- Advertisements --
Muling naitala ng Alas Pilipinas ang kanilang ikalawang panalo sa Pool A ng 2024 AVC Challenge Cup for Women.
Pinatikim kasi nila ng unang talo ang India sa loob ng apat na sets sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum sa lungsod ng Maynila.
Sa unang set ay nakuha ng India ang panalo subalit pagdating ng ikalawang set ay hindi na hinayaan ng Alas Pilipinas na makahabol pa ang India 22-25, 25-21, 25-17, 25-18.
Nanguna sa panalo si Angel Canino na nagtala ng 22 points sa 19 attacks, dalawang aces at isang block habang mayroong 17 points sa 15 attacks at dalawang aces si Eya Laure.
Susunod na makakaharap nila ang Iran sa araw ng Sabado at ang Chinese Taipei naman sa linggo para sa preliminaries.