-- Advertisements --

Nagtala ng pagkapanalo ang Alas Pilipinas mens volleyball team sa AVC Challengec Cup for Men na ginaganap sa Bahrain.

Ito ay matapos na talunin nila ang Indonesia sa score na 25-23, 23-25, 25-14, 25-22.

Una ng nalaglag ang Pilipinas a classification phase matapos ang magkasunod na pagkatalo sa China at host country sa Pool A.

Pinangunahan ni Marck Espejo ang Alas Pilipinas na nagtala ng 20-points na mayroong 17 attacks, dalawang aces at isang block.

Dahli sa panalo ay nakakuha ang Alas Pilipnas ng slot para ninth place kung saan makakaharap nila ang Thailand o ang Chinese Taipei sa darating na Hunyo 7.