Nagwagi ang Alas Pilipinas laban sa Australia para makuha ang bronze medal sa 2024 AVC Challenge Cup.
Dominado ng Alas Pilipinas ang Australia sa score na 25-23, 25-15, 25-7 sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang panalo ay siyang unang medalya ng Pilipinas sa Asian Women’s Volleyball Challenge Cup (AVC)-sanctioned tournament matapos ang 63 taon.
Nanguna sa panalo ng Alas si Angel Canino na nagtala ng 14 points, habang mayroong 13 points si Sisi Rondina at tig -10 points sina Thea Gagate at Eya Luare.
Tinanghal naman bilang Best Opposite Spiker si Anne Angel Canino habang at Best Setter naman si Juila Melissa De Guzman.
Huling nakakuha ng gintong medalya ang volleyball team ng bansa sa international competitions ay noong nakaraang 31 taon.