-- Advertisements --

Mananatiling coach ng Alas Piipinas Women si Jorge de Brito.

Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na ang Brazilian head coach ng women’s national volleyball team ay mananatili ng hanggang Southeast Asian (SEA) Games sa Disyembre ng susunod na taon.

Dagdag pa ni PNVF president Tats Suzara, na nagkaroon ng masusing konsultasyon at pag-aaral bago sila naglabas ng desisyon.

Magugunitang nagtala ng makasaysayang bronze medal ang Alas Pilipinas Women sa 2024 AVC Challenge Cup na siyang nagtatapos sa 63-taon na pagkabakante ng bansa na makakuha ng medalya sa volleyball competition.